Am I scared, or am I afraid?

February 28, 2010

Unang araw ko sa trabaho ngayon.

Wala yung team meyt ko sa kalapit na upuan.  Bumiyahe daw sa lugar ng giyera. Nanlaki saglit mga mata ko. Totoo ba ito, ibig sabihin ba bibiyahe ba talaga ako dun? Nakipagkwentuhan ako, totoo raw, marami daw bumibiyahe. Yung mga pinoy daw ang kwento, kung nakakarinig ng missile ay nag-ii-smile na lang =)

Sa paglilibot ko, nakalimutan ko din takot ko, kasi :

-- Maganda yung toilet, maliit lang pero parang kasing linis sa hotel
-- Maraming pinoy at palangiti sila (mahalaga yun :) ). 40% daw pinoy
-- Pastel colored yung tables sa pantry
-- May isang freezer sa pantry na puno ng sopdrinks, libre
-- May little pantry malapit sa pwesto ko
-- Hindi kailangang magsukbit ng pagkakakilanlan para makapasok, daliri lang ang ini-scan pambukas ng pinto
(pasingit -- ang opis gurl ay isang kababayan namin at sumusweldo ng AED 3500, saya ko para kanya =) )

Ang babaw ko ano? Pero ganito lang siguro, nakaka-aappreciate sa mga bagay na matagaltagal ding hindi nararanasan. Ako man ay blessed sa maliliit na bagay pero hindi ko pinapansin na para sa iba ay ikakaligaya nila. 

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako nang lubos at tinanggap ako sa trabaho pagkatapos ng hassle na hindi ako nakasipot sa napag-usapang araw ng pasimula ng trabaho dalawang linggo ang nakakaraan...

You Might Also Like

5 COMMENTS

  1. wow! good luck sa bago mong trabaho! i hope you find fulfillment there! :)

    ReplyDelete
  2. Congratulations on your new found job as you face the new challenges with full faith and confidence.

    God bless.

    ReplyDelete
  3. Goodluck Bevs,I go with you in appreciating the little things in life. At least may libreng soft drinks jan. dito wala, he he he ;-)

    BTW, it's nice reading your posts. You've got wit and humor.

    ReplyDelete
  4. aha? you mean to say you're bound to afghan?/Iraq? well hope that those things you're having now will also to me in the future. Hirap dito sa amin lahat nalang puro urgent kahit hindi naman..

    ReplyDelete
  5. Goodluck sa bagong trabaho. Noon hindi ko napapansin ang mga maliliit na bagay sa paligid ko, pero ng magmulang humawak ako ng camera, kahit kaliit liitang bagay eh nabubusisi ko, maging sa trabaho ko hahahaha. Minsan hindi rin natin mapapansin na may dumarating sa buhay natin na magtuturo sa ating maka-appreciate ng kahit na maliliit na bagay.

    Natuwa ako doon sa librang softdrinks hehehe. Dito sa sa hospital na pinagtatratrabahuhan ko eh libreng mineral water naman.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

FOLLOW BY EMAIL

HEADCOUNT